Noong ika-13 ng setyembre taong 1994,sa lungsod ng Nueva Ecija ay isinilang ang isang mabait at masipag na bata, isa siyang biyaya ng Panginoon. Hindi maitatanggi na isa siyang mabuting bata, isang mapagmahal na kaibigan at anak.Bata pa lamang ay marami na siyang pangarap sa buhay.Isa lamang ang pangarap niya sa mga ito, ang umunlad ang kanyang kinabibilangan lugar.Ang batang ito ay masiyahin,mabait,magalang,palaaral at mapagmahal sa kapwa tao,ngunit sa hayop ay hindi. Marahil ay hindi niyo pa siya gaanong kakilala, may mga bagay na sinasarili niya, hindi siya mahilig mag bahagi ng mga sikreto sa kung sinong tao lang. Hindi naman siya mapili sa kaibigan ngunit maingat lang.Sa ngayon, siya ay nagbabahagi ng kalokohan at talino sa Central Luzon State University at kinukuha ang kursong Bachelor of Science in Information Technolgy.Sa pagdaan ng panahon marami siyang nalalaman sa mundo na hindi alam ng iba,dahil ang batang ito ay may taglay na kapangyarihan at lakas na tanging propesiya lamang makapagsasabi,sa ganitong balita ay habang tumatagal ay dumarami ang kanyang taga hanga sa iba't ibang dako at sulok ng mundo.Hindi siya naghahangad ng perpektong buhay at kaibigan ,ang hangad niya lamang ay kapayapaan at kaunlaran sa mundong ibabaw. Sa aking pagsasalaysay ay maituturing na alamat ang buhay ng batang ito,isa siyang magandang ehemplo sa bawat kabataan sa mundo ang isang MABAIT,MAPAGMAHAL at PALAARAL na nilalang .kaya't nararapat lamang natin siyang tularan at gawing ispirasyon sa buhay!Sa buhay isa lang naman ang hangad niya, ang maging isang simpleng ato sa isang simpleng pamumuhay.
Lunes, Hulyo 25, 2011
"ANG ISANG SIMPLENG AKO SA ISANG MALAWAK NA MUNDO NOON AT NGAYON"
Sa litratong ito, makikita naman na masipag na ako,:) dahil ayon sa aking magulang ay bata pa lamang ako'y kumakayod na ako.kakaiba talaga ang aking galing, HAHA!walang makapagsasabi tungkol sa aking kakaibang kapangyarihan.kahit ako hindi ko maipaliwanag,at sa totoo lang di ay pagod na akong maging mabait!
Ako'y dalawang taong gulang pa lamang sa larawang ito.
Ito ang isa sa mga patunay na ako'y isang huwarang bata. Makikita naman sa larawan ito na bata pa lamang ako'y may taglay na akong kapangyarihn. Sa mga sandaling iyan ay pinapamalas ko ang aking galing. Gumagawa ako ng bundok. kakaiba ang aking galing,dahil magaling ako. HAHA.Hanggang ngayon ay wala tlagang nakapgasasabi kung bakit ako binigyan ng ganyang lakas ,tanging preopesiya lamang. Kaya isa akong matatawag na "Ehemplo sa mga Kabataan".
Sa mga oras na ito,ay ramdam ko ang kalinga nga aking ina. Nakakamis ang mga ganitong sandali,mga ala-ala na nagdaan .Mula bata pa lamang ay ang ina ko na ang kumalinga saakin, nariyan siya upang umalalay at magbantay hanggang sa aking paglaki. May sumingit pa tlaga, trivia lang, ang sumingit na iyan ay si Enchong Dee, dahil bata pa lamang ay magkakilala na kami.hindi naman masama mangarap. :) Sa pagadaan ng araw ninanais ko na ang lahat ng nakaraan ay muli naming pagsaluhan.
Ang aking Unang kaarawan, kitang kita sa larawan na ito na parang sila ang may kaarawan at hindi ako!hindi manlang nakita ang kaaya-aya kong mukha. Isa ito sa mga larawang itinago ko mula noon at hanggang ngayon.
"SI BESPREN"
Kitang kita naman, artista na !haha. Si Bespren ay nakita ko lang diyan sa tabi tabi ,pagala gala siya kaya naisip kong kunin siya!. trivia lang sa lahat, palagi niya akong inaapi. Lagi siyang kontra na mabait ako, mabait naman tlaga ako, syempre mabait din siya dahil bespren kame. super love na love ko si bespren.diba?kahit inaapi niya ako, para saakin siya ang "The Best Besfriend" kahit hindi siya naniniwalang may Forever, haha. :)) at kahit na sabi pa Past Time Bestfriend daw, ok lang ganun talaga. :)
"MGA KAIBIGAN"
"MGA KINAHIHILIGANG MUSIKA"
Linggo, Hulyo 24, 2011
"ANG ISANG MASAYANG PAMILYA"
Ang aking paboritong lolo, isa siyang mapagmahal at responsableng asawa ,lolo, at ama. Marami akong natutunan sakaniya bago pa siya kunin ng Diyos. Masungit pero responsable. Maraming siyang naitulong sa pamilya niya,malapit ang loob namin sa isa't isa. Ngunit minsan lamang siya umuwi sa pilipinas dahil sa Hawaii siya tumira ng matagal na panahon at doon na siya binawian ng buhay. Para sa akin isa siyang inspirasyon, palagi niyang sinasabi saakin na magaral akong mabuti. at nangako siyang babalik siya pero hindi na natupad ganun siguro ang buhay.
Ang aking magandang lola, pinakamasungit sa lahat ng lola sa buong mundo na nakilala ko pero mapagmahal. Isa rin siyang responsableng ina sa kanyang mga anak. Sa hawaii di siya tumira ng matagal kasama ng lolo ko ngunit dito na siya binawian ng buhay sa pilipinas. Mahal na mahal ko si lola . para sa akin siya ang The Best lola sa mundo.
Si mama, siya ay EMO :) , masungit, minsan inis na inis na ako sakanya parang gusto ko na siyang ibaon ng buhay!haha.pero super mahal na mahal ko siya, handa akong ipagpalit ang buhay ko para sakanya. para sa akin siya ang The Best monther sa mundo, kahit minsan makulit ako at pasaway hindi niya ko iniwan. Ang ama ko naman ay mas EMO,siya ay madrama sa lahat ng bagay, malapit din kami sa isa't isa.Mahal na mahal ko silang dalawa.
Ang litratong ito ay noong panahong hindi pa uso ang suklay!haha. makikita naman sakanila, ilan sa mga malalapit kong kamag-anak noong bata pa lamang ako. Nakakamis ang dating samahan dahil minsan na lamang kami magkita sa isang taon.
Pinakasuper paborito kong pinsan,si louise at alex,ang cute nila parehas kami. haha, tanggapin niyo nalang utang na loob.Sa bulacan sila nakatira ngayon kaya namimis ko na silang dalawa.
"SA BUHAY, HINDI NATIN KAILANGAN NG PERPEKTONG PAMUMUHAY,ANG KAILANGAN NATIN AY ANG MGA TAONG TANGGAP TAYO KUNG ANO AT SINO MAN TAYO,DAHIL WALANG TAO DITO SA MUNDONG IBABAW NA NABUBUHAY PARA SA SARILI LAMANG,SAMAKATWID,PAHALAGAHAN NATIN ANG MGA TAONG PINAHAHALAGAHAN TAYO NG SOBRA -SOBRA.SA ATING MUNDONG GINAGALAWAN HINDI MO MALALAMAN KUNG SINO TALAGA ANG TOTOO AT HINDI,SA GANITONG SITWASYON ISANG TAO LANG ANG KAILANGAN NATIN ANG TAONG NIRERESPETO ANG IBA SA PARAANG PAGRESPETO NIYA SA SARILI NIYA"
-lheng13 :))
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)