Bawat tao ay may kani-kaniyang pangarap sa buhay balang araw. Mga pangarap na ninanais nilang makamit para na rin sa ikatataguyod ng buhay nila. Kaya't kung mangangarap ka nalng rin ay lubos-lubusin mo na.,dahil libre lang naman ang mangarap!
Sampung taon mula ngayon , ay isa na akong college graduate.Ito ang pinakahahangad ko mula ngayon .Ang makatapos ng pagaaral.Dahil alam natin sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pagaaral. Sa loob ng sampung taon mula ngayon ay isa na akong akong Computer Progarammer,isang I.T expert, isang sikat na journalist at isang kilalang businesswoman sa ibsang bansa. Ilan lang ito sa mga hinahangad ko sa buhay. Hindi ko man masasabi talaga na ganyan na ako makalipas ng sampung taon pero hinding hindi ako susuko upang makamit ang mga hinahangad ko sa buhay.Marami pa akong ninanais makamit sa buhay sampung taon makalipas nais kong magkaroon ng sariling sasakyan, sariling bahay,sariling lupa, sariling lupa at malibot ang buong pilipinas. Marami pa akong pangarap sa buhay , kulang ang isang araw kung ilalathala ko lahat. Basta ako magtatarabaho ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko, lahat gagawin ko mapasaya ko lang sila at maibigay ko lang lahat ng kabutihang binigay nila saakin mula noon hanggang ngayon. Dahil kung wala kang pagsisikap siyang lang lahat ng iyong mga pangarap".
"Mangarap ka habang may oras pa,
Magsikap ka habang kaya pa"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento