Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
Ang bawat Presidente ,ang mga kasapi nito at ang mga taong nangangasiwa sa bawat departamento ng pamahalaan ay may kani-kaniyang tungkulin at responsibilidad.Ngubit may hihigit pa ba sa pagiging isang presidente?Ang presidente na siguro ang isa sa pinakamhirap na posisyon sa pamahalaa,sapagkat ang presidente ang tumatayong tagapagligtasng bawat mamamayang pilipino.Siya ang kumokontrol ng lahat at nagpapatakbo ng ating bansa.Ano nga bang klase ng presidente mayroon tayo?Naipaglalabanj ba niya ang tama laban sa mali?Naibibigay niya ba ang pangangailangan ng bawat mamamayang pilipino?Maraming katanungan na gusto nating malaman, at marami tayong hinaing na nais nating masulusyunan.Gusto natin malaman kung may hustisya pa ba?at patuloy pa rin bang lalaganap ang korapsiyon.
Sa ngayon,masasbi kong maayos pa naman ang paraan ng pamamalakad ng administrasyong aquino sa ating bansa at sa bawat mamamayang pilipino.Hindi natin siya agad-agad masisisi sa mga nangyayaring krimen at sakuna sa ating bansa dajil natural lamang ito.Isa lamang siyang presidente na naghahangad ng kabutihan para sa lahat.Hindi niya ginusto ang bawat problemang dumrating sa ating bansa.Para sa akin si P-NOY ay hindi mo matatawag na isang sakim na pinuno,naniniwala ako sa sinabi niyang linya na "Kapag Walang kurrapt,Walang Mahirap".Sa ganitong linya na sinabi niya ay tumanim agad sa isipan ko na kaya niya at may paninindigan.Oo,hinsi siya perpektong presidente marami siyang hindi kayang gawin,hindi niya agad-agad nabibigyang solusyon kasama ng kanyang administrasyon ang mga problema sa ating bansa,pero hindi sapat ang mga dahilang ito upang husgahan agad natin ang presidente.Dahil sa baguhang presidente pa lamang siya,ay nararapat na bigyan muna natin siya ng panahon upang mapatunayan na hindi tayo nagkamali sa pagpili sa kaniya bilang isang tunay na pinino sa sa ating sinasakupang bansa.
Sa administrasyong Aquino,may mga batas na natutupad ,mayroon din namang hindi.Sa ganitong paraan,sana'y tutukan nila ang mga problema ng bansa sa Edukasyon,gamot,pagakain at trabaho sa bawat pamilya ng mamamayang pilipino.Hindi lamang palagiang problema na lamang sa gobyerno at korapsyon ang palaging punto ng gobyerno.Dahil tao ang biktima ,tao din ang suspek .Pagtulungan sana nila ang bawat hinaing ng mamamayang pilipino na mabigyan ng sapat na edukasyon ang bawat bata na hindi makapag-aral,anag bawat taong nagugutom na walang malapitan ,bawat mamamayang may sakit na tanging libreng gamotlamang ang kaya, at higit sa lahat ang bawat mamamayang pilipino na nangangailangan ng trabaho ay mapagsikapan sana nilang mabigyan ng sapat na trabaho dito man o sa labas ng bansa.Sa ganitong mga sitwasyon ay tanging predinte lamang ang may kakayahang tumulong sa ating mga kababayan.Sa sa ganitong paraan ay maipapakita niyang kaya niya,may magagawa siya at kaya niyang labanan ang kabutihan laban sa kasamaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento