Linggo, Hulyo 24, 2011

"ANG ISANG MASAYANG PAMILYA"

Ang aking paboritong lolo, isa siyang mapagmahal at responsableng asawa ,lolo, at ama. Marami akong natutunan sakaniya bago pa siya kunin ng Diyos. Masungit pero responsable. Maraming siyang naitulong sa pamilya niya,malapit ang loob namin sa isa't isa. Ngunit minsan lamang siya umuwi sa pilipinas dahil sa Hawaii siya tumira ng matagal na panahon at doon na siya binawian ng buhay. Para sa akin isa siyang inspirasyon, palagi niyang sinasabi saakin na magaral akong mabuti. at nangako siyang babalik siya pero hindi na natupad ganun siguro ang buhay.

Ang aking magandang lola, pinakamasungit sa lahat ng lola sa buong mundo na nakilala ko pero mapagmahal. Isa rin siyang responsableng ina sa kanyang mga anak. Sa hawaii di siya tumira ng matagal kasama ng lolo ko ngunit dito na siya binawian ng buhay sa pilipinas. Mahal na mahal ko si lola . para sa akin siya ang The Best lola sa mundo.


Si mama, siya ay EMO :) , masungit, minsan inis na inis na ako sakanya parang gusto ko na siyang ibaon ng buhay!haha.pero super mahal na mahal ko siya, handa akong ipagpalit ang buhay ko para sakanya. para sa akin siya ang The Best monther sa mundo, kahit minsan makulit ako at pasaway hindi niya ko iniwan. Ang ama ko naman ay mas EMO,siya ay madrama sa lahat ng bagay, malapit din kami sa isa't isa.Mahal na mahal ko silang dalawa.
Ang litratong ito ay noong panahong hindi pa uso ang suklay!haha. makikita naman sakanila, ilan sa mga malalapit kong kamag-anak noong bata pa lamang ako. Nakakamis ang dating samahan dahil minsan na lamang kami magkita sa isang taon.
Pinakasuper paborito kong pinsan,si louise at alex,ang cute nila parehas kami. haha, tanggapin niyo nalang utang na loob.Sa bulacan sila nakatira ngayon kaya namimis ko na silang dalawa.




"SA BUHAY, HINDI NATIN KAILANGAN NG PERPEKTONG PAMUMUHAY,ANG KAILANGAN NATIN AY ANG MGA TAONG TANGGAP TAYO KUNG ANO AT SINO MAN TAYO,DAHIL WALANG TAO DITO SA MUNDONG IBABAW NA NABUBUHAY PARA SA SARILI LAMANG,SAMAKATWID,PAHALAGAHAN NATIN ANG MGA TAONG PINAHAHALAGAHAN TAYO NG SOBRA -SOBRA.SA ATING MUNDONG GINAGALAWAN HINDI MO MALALAMAN KUNG SINO TALAGA ANG TOTOO AT HINDI,SA GANITONG SITWASYON ISANG TAO LANG ANG KAILANGAN NATIN ANG TAONG NIRERESPETO ANG IBA SA PARAANG PAGRESPETO NIYA SA SARILI NIYA"

-lheng13 :))



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento