Lunes, Hulyo 25, 2011

"ANG ALAMAT NG ISANG MABAIT NA BATA "

Noong ika-13 ng setyembre taong 1994,sa lungsod ng Nueva Ecija ay  isinilang ang isang mabait at masipag na bata, isa siyang biyaya ng Panginoon. Hindi maitatanggi na isa siyang mabuting bata, isang mapagmahal na kaibigan at anak.Bata pa lamang ay marami na siyang pangarap sa buhay.Isa lamang ang pangarap niya sa mga ito, ang umunlad ang kanyang kinabibilangan lugar.Ang batang ito ay masiyahin,mabait,magalang,palaaral at mapagmahal sa kapwa tao,ngunit sa hayop ay hindi. Marahil ay hindi niyo pa siya gaanong kakilala, may mga bagay na sinasarili niya, hindi siya mahilig mag bahagi ng mga sikreto sa kung sinong tao lang. Hindi  naman siya mapili sa kaibigan ngunit maingat lang.Sa ngayon, siya ay nagbabahagi ng kalokohan at talino sa Central Luzon State University at kinukuha ang kursong Bachelor of Science in Information Technolgy.Sa pagdaan ng panahon marami siyang nalalaman sa mundo na hindi alam ng iba,dahil ang batang ito ay may taglay na kapangyarihan at lakas na tanging propesiya lamang makapagsasabi,sa ganitong balita ay habang tumatagal ay dumarami ang kanyang taga hanga sa iba't ibang dako at sulok ng mundo.Hindi siya naghahangad ng perpektong buhay at kaibigan ,ang hangad niya lamang ay kapayapaan at kaunlaran sa mundong ibabaw. Sa aking pagsasalaysay ay maituturing na alamat ang buhay ng batang ito,isa siyang magandang ehemplo sa bawat kabataan sa mundo ang isang MABAIT,MAPAGMAHAL at PALAARAL na nilalang .kaya't nararapat lamang natin siyang tularan at gawing ispirasyon sa buhay!Sa buhay isa lang naman ang hangad niya, ang maging isang simpleng ato sa isang simpleng pamumuhay.

2 komento: