Sabado, Agosto 6, 2011

"AKO BILANG ISANG BAGAY"

Sa konsepto ng buhay, lahat tayo ay may hinahangad , ang ilan sa mga ito ay malayo sa katotohanan ngunit patuloy pa rin tayo sa paghangad.Dahil sabi nga nila libre ang mangarap.! Iyan ang tao, gagawin ang lahat para sa kaligayan kahit alam din nating walang patutunguhan! :)




   Kung ihahalintulad ako sa isang bagay, ito ay ang "BOLA". dahil ito ay bilog at maraming gamit. Minsan ang bola kapag nasira na hindi na magagamit. Parang sa buhay ko minsan sa pananaw ko sa pamumuhay kapag ang isang bagay ay minsan ng nasira  mahirap ng buuin, dahil basag na. Sa laro ng buhay, sa bawat pagtalbog ng bola ay may dahilan, sa paghagis nito ay may kanya-kanyang patutunguhan at sa bawat pagsapo nito ay may  bawat bukas ng aasahan. Iyan ang koneksyon ko sa buhay. Para sa akin ang buhay ay isang laro, laro na tanging sarili mo mismo ang iyong kalaban, ang bola ang magbibigay gabay kung saang direksyon mo dadalin ito.

    Ang bola ay matatag, may konkretong hulma at tamang gawi. ako'y isang bola sapagkat marami mang talbog, at itsa ang dumating sa buhay ko, patuloy sa rin akong bumabalik sa mga taong patuloy na nagmamahal sa akin. Ang buhay ay malaro, kinakailangan natin ng sapat na tiwala sa sarili at pananampalataya dahil kung hindi , sa bawat talbog ng bola ay maiiwan ka na .Dahil sa buhay, wala kang tanging aasahan at paniniwalaan tanging sarili mo lamang!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento