Sabado, Agosto 6, 2011

"SI CRUSH"

Ang paghanga, nagsisimula sa pasulyap sulyap lang hanggang sa hindi mo na maalis na tumingin sakanya, dahil gusto mo na siya talaga. :)) Sa konsepto ng salitang paghanga, marami itong iba't ibang interpretasyon na tanging sarili lamang natin ang makapagpapahiwatig.




"SI INSPIRASYON"

Sa eskwelahan nasilayan ang nabuong paghanga,
Noong una ko siyang makita'y agad akong napahanga,
Sa tamis ng kanyang ngiti'y labis kang matutulala,
Ang kanyang mapupulang labi na sa aki'y nagpapahanga.

Mga ngiti at tawa niya'y hindi ko mawari,
Bawat pagod at hirap ay agad-agad napapawi,
Muling nabubuhayan ang isang pusong sawi,
Na tanging ngiti niya lamang ang pumpawi.

Isa siyang nanatangi sa aking inspirasyon,
Mula noong una't magpahanggang ngayon,
at maituturing siyang kaibigan bilang inspirasyon,
na nais ko siyang masilayan buong  maghapon

Siya'y matipuno,simple at sadyang hahangaan,
Kaya't ako'y hahanga sa kanya magpakailanman,
at kung kami'y magiging matalik na magkaibigan,
Ang pagkakaibigan nami'y aking pakaiingatan magpakailanman.


Jefferson Santiago Dizon :))

- O.O - 





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento